^

Metro

1.7 milyong pasahero dadagsa sa PITX sa Semana Santa

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
1.7 milyong pasahero dadagsa sa PITX sa Semana Santa
Sa QC Journalist Forum, sinabi ni Kolyn Gervacio-Calbasa, senior corporate affairs officer ng PITX, handa na ang mga bus sa terminal para sa ligtas na paglalakbay ng mga pasahero sa kanilang destinasyon para sa Holy Week.
The STAR / Edd Gumban

MANILA, Philippines — Handa na ang pamunuan ng Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) na serbisyuhan ang may 1.7 milyong pasahero na inaasahang dadagsa sa terminal na uuwi sa mga lalawigan ng Cavite, Laguna, Batangas, Quezon at Bicol, o vice versa sa panahon ng Semana Santa.

Sa QC Journalist Forum, sinabi ni Kolyn Gervacio-Calbasa, senior corporate affairs officer ng PITX, handa na ang mga bus sa terminal para sa ligtas na paglalakbay ng mga pasahero sa kanilang destinasyon para sa Holy Week.

May ugnayan naman aniya ang PITX sa LTO, LTFRB at PNP para matiyak ang kaayusan at roadworthy ng mga bibiyaheng sasakyan gayundin ng mga driver para sa kaligtasan ng mga biyahe ng mga bus.

Aniya, wala ring holiday ang kanilang mga tauhan para magserbisyo sa mga pasahero mula ngayong Biyernes. March 22 hanggang matapos ang Kuwaresma sa Abril 1.

Aniya inaasahan din ang pagdagsa ng mga local at foreign tourists na posibleng magresulta ng pagdami ng mga biyahero kaya’t may mga nakaantabay silang dagdag na units na magagamit kung kakailanganin upang hindi maantala ang biyahe ng mga pasahero.

Naglagay na rin aniya ang PITX ng assistance desk na aalalay sa mga pasahero lalo na sa mga senior citizens, buntis, at persons with disability (PWDs).

PITX

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with