^

Metro

Transwoman arestado sa ‘sextortion’

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang transwoman ang inaresto ng mga awtoridad sa ikinasang entrapment operation, sa tapat mismo ng headquarters ng Manila Police District (MPD) sa United Nations Avenue, Ermita, Manila kamakalawa, matapos na ireklamo ng “sextortion” ng estud­yanteng kanyang nakarelasyon.

Kinilala ang suspek na si Justine Nicole Rabara, 25, ng Urdaneta St., Guadalupe Nuevo, Makati City. Siya ay ­inaresto dakong alas-5:41 ng hapon sa isang entrapment operation sa loob ng isang convenience store sa tapat ng MPD Headquarters, bunsod ng reklamo ng isang 24-anyos na estudyante, residente ng Malate, Maynila at dati niyang nakarelasyon.

Batay sa reklamo ng biktima, lumilitaw na nagkakilala sila ng suspek sa online dating apps at naging magkasintahan. Malaunan ay nagkasundo umano silang magkita sa Makati hanggang sa magkaroon ng sensuwal na relasyon.

Gayunman, lingid sa kaalaman ng biktima, kinukuhanan pala ng suspek ng video ang kanilang mga ginagawa hanggang sa ginamit na ito upang kikilan siya ng P10,000. Tinatakot pa umano siyang ipo-post sa mga social media sites ang naturang sex video kung hindi siya magbibigay ng pera.

Bunsod nito, nagsumbong ang biktima sa mga awtoridad na kaagad nagkasa ng entrapment operation at nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek.

Nakumpiska mula sa suspek ang isang iPhone 13 Pro max at P10,000 entrapment money.

vuukle comment

MPD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with