MANILA, Philippines — Naghatid ng agarang tulong ang SM Group sa pamamagitan ng programang Operation Tulong Express (OPTE).
Pinangunahan ng SM Supermalls, SM Markets, at ang kanilang social good arm na SM Foundation ang pagkasa ng programa sa iba’t ibang lugar na tinamaan ng kalamidad nitong mga nagdaang buwan.
Namahagi ang SM Center Angono ng 61 Kalinga Packs sa mga biktima ng sunog sa Kalayaan Angono, Rizal noong simula ng taon, habang ang SM City Puerto Princesa ay nagbigay ng mahigit 230 Kalinga Packs sa mga biktima ng sunog sa lungsod noong Pebrero 7. Gayundin, naglaan ang SM City Sta. Mesa ng 250 Kalinga Packs sa mga biktima ng sunog sa Brgy. 598, Lungsod ng Maynila, noong Pebrero 21. Nagpaabot din ng tulong ang SM City Sucat sa mahigit 230 residente ng Brgy. San Isidro, Parañaque, matapos ang naganap na sunog sa nasabing lugar noong Pebrero 28.
Sa kabila ng malalang baha sa Davao Region, namahagi ang SM Supermalls ng mahigit 3,000 Kalinga Packs sa mga komunidad na naapektohan ng baha sa rehiyon,
Nito lamang Marso 3, nagbigay rin ang SM Group ng Kalinga Packs sa mga biktima ng sunog sa Brgy. Pandan, Lungsod ng Angeles, Pampanga.
Sa pamamagitan ng programang ito, patuloy na tinataguyod ng SM Foundation ang kanilang pangako na maging katuwang sa pag-unlad ng bansa, sa pamamagitan ng serbisyo publiko lalo na sa panahon ng krisis.