^

Metro

Facebook page ng Marikina LGU, inatake ng hackers

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Facebook page ng Marikina LGU, inatake ng hackers
Mismong si Marikina City Mayor Marcelino ‘Marcy’ Teodoro ang nagkumpirma na inatake ng hackers ang FB page ng kanilang Public Information Office (PIO).
STAR / File

MANILA, Philippines — Maging ang Facebook page ng Marikina City government ay hindi pinalampas at inatake rin ng mga hackers.

Mismong si Marikina City Mayor Marcelino ‘Marcy’ Teodoro ang nagkumpirma na inatake ng hackers ang FB page ng kanilang Public Information Office (PIO).

Ayon kay Teodoro, sa ulat ng mga staff ng PIO, ‘inaccessible’ o hindi na mabuksan ang naturang FB page, si­mula pa noong Pebrero 21.

Kaagad umano niyang pinaimbestigahan ang insidente at dito nakumpirma nilang cyberattack nga ang nangyari.

Anang alkalde, naapektuhan ng pag-atake ang communication channel ng LGU sa paghahatid ng impormasyon sa kanilang mga nasasakupan.

Kaugnay nito, hinikayat ng alkalde ang kanilang mga kababayan na magtungo muna sa FB page ng Marikina City Rescue 161 upang doon isangguni ang kanilang mga concern o hinaing.

Nakipag-ugnayan na rin aniya ang pamahalaang lungsod sa Philippine National Police (PNP) upang matukoy kung sino ang nasa likod ng pag-atake at mapanagot ang mga ito.

Magugunitang nito lamang Lunes , kinumpirma ng Valenzuela City Police na na-hack din ang kanilang Facebook page.

vuukle comment

FACEBOOK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with