Higit 3K pasaway na motorista sa Metro Manila, huli ng LTO
MANILA, Philippines — Nalambat ng mga elemento ng Law Enforcement Unit ng Land Transportation Office-National Capital Region (LTO-NCR) ang may 3,510 motorista dahil sa paglabag sa iba’t ibang batas trapiko sa Metro Manila nitong nagdaang Enero 2024.
Sa naturang bilang, karamihan ng motoristang nahuli dito ay lumabag sa Republic Act (RA) 4136, o mas kilala bilang Land Transportation and Traffic Code tulad ng hindi pagsusuot ng Seat Belt, hindi pagsusuot ng motorcycle helmet, hindi pagsunod sa Children Safety on Motorcycle Law, pagmamaneho ng lasing, paglabag sa Anti-Distracted Driving Act at pagmamaneho ng sasakyan na hindi pa nakapag-renew ng rehistro sa LTO.
Bukod rito, nakahuli rin ng 25 na pasaway na motorista ang mga deputized agents mula naman sa Department of Public Works and Highways (DPWH) habang 193 motorista ang nahuli ng mga police deputized agents.
Sinabi ni LTO-NCR Regional Director Roque “Rox” Verzosa II, patuloy ang kanilang operasyon sa Metro Manila para sa kapakanan at kaligtasan ng mga motorista.
- Latest