^

Metro

8 government agencies sa Quezon City binulabog ng ‘bomb threat’

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
8 government agencies sa Quezon City binulabog ng �bomb threat�
Ayon sa Bureau of Fire Protection  (BFP)  alas-11:03 ng umaga nang magkakasunod na makatanggap ng bomb threat sa pamamagitan ng email ang mga empleyado DENR, PIA,Vertis mall, Department of Agriculture (DA), Social Security System (SSS), Commission on Audit (COA), Department of Information and Communications Technology  (DICT) at Environmental Management Bureau ng DENR-NCR.
STAR/File

MANILA, Philippines — Magkakasunod na binulabog ng bomb threat ang Department of Environment and Natural Resources (DENR), Philippine Information Agency (PIA) at anim pang ahensiya ng pamahalaan nitong Lunes ng umaga sa Quezon City.

Ayon sa Bureau of Fire Protection  (BFP)  alas-11:03 ng umaga nang magkakasunod na makatanggap ng bomb threat sa pamamagitan ng email ang mga empleyado DENR, PIA,Vertis mall, Department of Agriculture (DA), Social Security System (SSS), Commission on Audit (COA), Department of Information and Communications Technology  (DICT) at Environmental Management Bureau ng DENR-NCR.

Ayon kay PSMS Albert Calano ang team lider ng EOD k9 unit ng QCPD, isang nagpakilalang Takahiro Karasawa na umanoy Japanese lawyer ang nagpadala ng mensahe ng bomb treat sa pamamagitan ng email.

Sa pamamagitan umano ng tinatawag na spyware naipakalat ng suspek ang kanyang mensahe sa nasabing mga tanggapan ng pamahalaan.

Agad na nagresponde ang Quezon City Police District (QCPD) Project 6 Police Station (PS15) Explosive Ordnance Disposal (EOD) upang halug­hugin ang mga naturang bomba.

Sinuyod ng BFP at QCPD Bomb Squad ang lugar subalit walang nakitang anumang uri ng bomba na nakuha sa loob at labas ng tanggapan ng mga nasabing ahensiya.

Nabatid na mabilis na pinalabas ng gusali ang mga empleyado at kinalaunan ay tuluyan nang pinauwi ni DENR Secretary Maria Antonia Yulo-Loyzaga.

Sinabi naman ni Atty. Julius de Peralta, Admin Division chief ng PIA  na kanila ring inatasan ang mga security guard ng ahensya na magsagawa ng pagbusisi sa loob at labas ng tanggapan ng PIA upang matiyak ang kaligtasan ng gusali

Hindi naman sinuspinde ang operasyon o walang pinauwi sa mga empleyado ng PIA.

Si Karasawa rin ang itinuturong responsable sa bomb threat sa MRT Kamuning Station noong Setyembre 2023.

vuukle comment

DENR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with