^

Metro

Sewage Treatment Plant sa Valenzuela, operational na

Angie dela Cruz, Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inihayag ng Maynilad Water na sinimulan na nila ang inisyal na operasyon ng bagong gawang Sewage Treatment Plant (STP) sa Marulas, Valenzuela.

Ayon sa Maynilad, ang treatment plant ang lilinis sa wastewater ng 300,000 custo­mers mula sa siyam na barangay ng Valenzuela City.

Naniniwala ang Maynilad na sa ganitong paraan ay mas maituturing nang ligtas ang pinapakawalan nitong tubig.

Ang Valenzuela Water Reclamation Facility ng Maynilad ang ika- 23 wastewater treatment facility na may kakayahang maglinis ng milyong litro ng wastewater kada araw.

Oras na matapos naman ng Maynilad ang pag-install sa 27.4-km sewer network sa Valenzuela ngayong taong 2024, kakayanin na nitong makako­lekta at mai-treat ang 60 MLD wastewater mula sa mga barangay ng Gen. T. De Leon, Karuhatan, Ma­linta, Marulas, Maysan, Parada, Paso De Blas, Lingunan at West Canumay.

Dagdag pa ng Maynilad, kasalukuyan silang nag-upgrade ng wastewater faci­lity sa Caloocan at nagtatayo ng apat na bagong pasilidad sa Las Piñas, Bacoor at Tunasan gayundin sa Cupang, Muntinlupa.

MAYNILAD WATER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with