^

Metro

3 ‘fixers’ sa city hall ng Pasay, arestado

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tatlong ‘fixers’ na nagpapanggap na mga kawani ng Pasay City Government ang inaresto ng mga awtoridad noong Miyerkulkes.

Ang mga suspek na nakapiit sa Pasay City Police Station ay kinilala lamang sa mga alyas na Absamin, Leopoldo, at Jerick, na pawang residente ng San Andres, Bukid, Maynila.

Sa ulat na inilabas ng Pasay City Public Information Office (PIO), unang nadakip si Absamin sa aktong nagpapakilalang siya ay em­pleyado ng Pasay City Hall, at  kasunod nito ang pagkanta sa mga ka­sabwat na agad ding naaresto.

Modus operandi ng mga suspek na magpanggap na kawani sa city hall at nag-aalok ng mabilis na pagpoprose­so ng business license sa mga negosyanteng nag-aaplay nito kapalit ng hinihinging halaga.

Hanggang sa natuklasang mga pekeng dokumento lamang ang ibinibigay ng ito sa kanilang nabibiktima.

Dahil dito, pinayuhan ang mga Pasayeño na doblehin ang pag-iingat at huwag ipaubaya sa mga hindi awtorisadong indibidwal ang kanilang mga transaksyon sa lokal na gobyerno.

Nanawagan na rin ang mga awtoridad na agad i-report sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya at sa tanggapan ni Mayor Emi Calixto-Rubiano ang mga ganitong uri ng modus at panloloko ng mga kawatan.

PASAY CITY

PIO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with