MANILA, Philippines — Matagumpay na nailipat noong Biyernes mula sa New Bilibid Prison (NBP) patungong Leyte Regional Prison ang 48 persons deprived of liberty (PDLs) kaugnay sa programang mapaluwag ang mga piitan sa bansa at bilang paghahanda na maisara na ang National penitentiary sa taong 2028.Regional Prison ang 48 persons deprived of liberty (PDLs) kaugnay sa programang mapaluwag ang mga piitan sa bansa at bilang paghahanda na maisara na ang National penitentiary sa taong 2028.
Sa nasabing bilang, 23 PDLs ay mula sa maximum security habang ang 25 ay sa medium security ng NBP, na mananatili na sa Leyte Regional Prison sa Abuyog, Leyte.
Matapos ang kanilang biyahe, maayos na nakarating ang mga PDLs sa piitan sa Leyte noong Sabado ng hapon, Enero 20, ayon kay Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Pio Catapang Jr..
“The continuing transfer of PDLs from NBP to other operating prison and penal farm outside of Metro Manila is part of our efforts to decongest the NBP and our preparation for the closure of the National penitentiary by 2028,” ani Catapang.
Nagpasalamat din si Catapang sa pagkakaloob ng tulong at suporta ng Philippine National Police (PNP) at ng Philippine Coast Guard (PCG) sa matagumpay na pagbibiyahe ng PDLs.
Ineskortan din ng mga miyembro ng NBP Custodial Force ang mga PDLs at inalalayan ng mga tauhan ng BuCor Speacial Weapons and Tactics (SWAT).