^

Metro

2 super health centers itatayo sa Caloocan

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tiniyak ni Caloocan City Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan na mabibigyan ng kumpletong gamot at serbisyo ang mga residente ng  Barangay 168 at 171 sa  itatayong dalawang super health cen­ters sa lungsod.

Sa tulong na rin ni  District 1 Representative Oca Malapitan, sinabi ng alkalde na ang super health center ay two-storey building na may makabagong kagamitan kabilang ang minor surgical room, x-ray room, laboratory, at maging  ang confinement wards.

Ayon sa alkalde,ibibigay nila ang pinakamaa­yos na medical services at health centers sa mga residente upang hindi na mahirapan pang magtungo sa mga  malalayong ospital.

Sinabi ng alkalde na  mararamdaman ng mga residente ang presensiya ng mga doktor at serbisyo.

“Umasa po kayo na marami pang proyekto ang nakahandang ibigay natin sa iba pa nating mga kababayan,” dagdag ng alkalde.

DALE GONZALO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with