Unang LGU-run Disability Resource and Development Center inilunsad sa Taguig

Pinangunahan ni Taguig Mayor Lani Cayetano ka- sama ang iba pang mga opisyal sa ceremonial rib- bon cutting ng bagong bukas na Taguig Disability Resource and Development Center building. May kaugnay na ulat sa pahina 3.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Pinangunahan ni Taguig City Mayor Lani Cayetano ang pagbubukas at paglulungsad ng kauna-unahang LGU-operated Disability Resource and Development Center sa bansa sa layong mapalakas at maiangat ang sektor ng mga may kapansanan.

Ang pasilidad na inilunsad noong Enero 9 sa Brgy. North Signal ay mayroong anim na palapag na magsisilbing lugar kung saan pwedeng magsagawa ng information dissemination, program at policy deve­lopment, capacity building, at iba pang mga serbisyo para sa lahat ng disability stakeholders sa lungsod ng Taguig.

Personal na nakibahagi si Mayor Lani na nagpahayag ng kanyang pagmamahal at pag-suporta sa sektor. 

“Patunay na sa Taguig hindi lang natin basta sinasabi na mahal natin ang mga Persons with Disability, kundi may kaakibat na aksyon at programa upang iparamdam ang kalinga ng lokal na pamahalaan. Dalangin ko po na ang pasilidad na ito ay magdulot ng ginhawa at kagalingan sa mga taong makikinabang. Inaalay po natin ito para sa sektor na malapit sa aking puso at higit sa lahat, for the greater glory of our Lord,” saad ni Mayor Lani.

Ang Center ay nagbibigay ng mga serbisyo tulad ng Speech Therapy na kabilang sa komprehensibong listahan ng mga libreng serbisyo, kasama rin dito ang Adult and Pediatric Physical Therapy, Occupational Therapy, at konsultasyon sa mga rehabilitation medical doctor at developmental pediatrician.

Show comments