MANILA, Philippines — Pinaalalahanan ng Muntinlupa City government ang publiko na ang mahuhuling magbebenta, gumagamit ng paputok o anumang pyrotechnic device at magpa-ingay ng muffler ay mahaharap sa kasong paglabag sa City Ordinance No. 14-092.
Nasasaad ito sa nasabing ordinansa na ipinasa ng Muntinlupa City Council noong 2014.
Sa mga lalabag, sa unang pagkakataon ay pagmumultahin ng P1,000 o kulong na hindi hihigit sa isang buwan, o multa at kulong, depende sa magiging hatol ng korte.
Sa ikalawang beses na mahuli, multang P3,000 o kulong, o parehong ipapataw, depende sa discretion ng korte.
Sa ikatlong pagkakataon, pagmumultahin na ng P5,000.00 o kulong ng hindi lalagpas ng anim na buwan, o kaya parehong ipapataw.
“lf the violation is committed by a business establishment, the President or General Manager or the Person acting in behalf of either the President or General Manager shall be held liable in the case of a corporation or partnership, or the owner or proprietor or the person acting in his behalf shall be held responsible in the case of a single proprietorship,” saad sa Section 5 ng nabanggit na ordinansa.
Samantala, ang paggamit naman ng open mufflers o pipes, sound boosters at iba pang modifications a motorsiklo o iba pang behikulo na naglalabas ng napakatinding ingay.
Ito’y alinsunod sa Section 9 ng Ordinance 04-022 o Muntinlupa City Traffic Code.
Ang lalabag ay mahaharap sa multang P2,500 hanggang P7,500.
Nilinaw naman ng lokal na pamahalaan na ang pinapahintulutan lamang ay ang community fireworks display na may permits mula sa city government, fire at police station.