Crackdown vs isnaberong taxi driver, colorum PUVs – LTO

Sinabi ni LTO Chief Vigor Mendoza II, nakatanggap sila ng sangkaterbang mga reklamo laban sa mga colorum na PUVs at mga isnaberong taxi dri­vers na namimili ng mga pasahero kaya agad niyang ipinag-utos ang mahigpit na pagsasagawa ng ‘Oplan Pasaway’.
Philstar.com/File

MANILA, Philippines — Dahilan sa mga bumabahang reklamo, iniutos ng Land Transportation Office (LTO) nitong Lunes sa kanilang mga tauhan na magsagawa ng crackdown laban sa mga kolorum na Public Utility Vehicles (PUVs) at maging sa mga isnaberong taxi drivers ngayong ‘holiday rush’.

Sinabi ni LTO Chief Vigor Mendoza II, nakatanggap sila ng sangkaterbang mga reklamo laban sa mga colorum na PUVs at mga isnaberong taxi dri­vers na namimili ng mga pasahero kaya agad niyang ipinag-utos ang mahigpit na pagsasagawa ng ‘Oplan Pasaway’.

Ayon kay Guadiz ang mga tauhan ng LTOs Law Enforcement Service ay idedeploy sa mga malls sa Metro Manila at maging sa mga urban areas na dinaragsa ng mga mamimili at mga namamasyal.

Sinabi ni Mendoza na karaniwan ng dumadagsa ang mga reklamo sa kanilang tanggapan tuwing nalalapit ang pagdiriwang ng kapaskuhan kung saan marami sa mga taxi drivers ang hindi nagpapasakay at nangongontrata.

Aniya, dahilan sa rami ng pasahero tuwing panahon ng Pasko ay ito rin ang panahon kung saan nagsusulputan ang napakaraming colorum na public utility vehicles at ito rin ang ipinag-utos niya na ma­tuldukan.

Show comments