^

Metro

Pasahe sa MRT-3, tataas sa Q1 2024

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Pasahe sa MRT-3, tataas sa Q1 2024
Commuters enter the Metro Rail Transit (MRT) Line 3 in Taft Avenue station last May 2022.
The STAR / Jesse Bustos, File

MANILA, Philippines — Mismong si Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista na ang nagkumpirma kahapon sa napipintong pagtataas ng pasahe sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) sa unang bahagi ng taong 2024.

Ayon kay Bautista, ito ay ipipri­sinta sa Light Rail Transit Authority (LRTA) sa susunod na taon upang mapag-usapan.

Maaari aniyang maipatupad ang taas-pasahe sa unang bahagi ng taong 2024.

“Next year na ‘yung MRT-3. I understand ipepresent ‘yan sa LRTA board. Next year na natin pag-usapan...Hindi naman sila masyadong mahihirapan kung hindi natin kaagad ibibigay ‘yung fare increase na hini­hingi nila. Most probably first quarter, next year,” ayon pa kay Bautista.

Nabatid na humihingi ang pamunuan ng MRT-3 ng karagdagang P2.29 para sa boarding fee at P0.21 na pagtaas naman kada kilometro.

Sakali umanong maaprubahan ang petisyon, ang minimum na pasahe sa MRT-3 ay magiging P16 na, mula sa kasalukuyang P13 lamang.

Samantala, ang end-to-end trip naman o mula North Avenue station sa Quezon City hanggang sa Taft Avenue station sa Pasay City, ay magiging P34 mula sa kasalukuyang P28.

Una nang sinabi ng DOTr na ang pamahalaan ang nagsa-subsidize sa malaking bahagi ng pasahe ng mga commuters ng MRT-3.

Sakali namang maipatupad na ang taas-pasahe, ay inaasahang makatutulong ito upang mabawasan ang subsidiya na inilalaan para dito ng gobyerno.

DOTR

MRT3

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with