‘Zero Waste Pasko’ campaign, inilunsad

Ang mga miyembro ng EcoWaste Coalition at ng Our Lady of Perpetual Help makaraang magsagawa ng exhibit kasabay ng panawagan sa publiko para sa “zero waste” ngayong Kapaskuhan, sa Project 8, Quezon City kahapon.
Jesse Bustos

Publiko, maging responsible’ - Ecowaste

MANILA, Philippines — Umapela ang environmental group na Ecowaste Coalition sa publiko na maging res­ponsable at gawing kapaki-pakinabang ang mga waste material o mga basura ngayong panahon ng Kapaskuhan.

Sa paglulunsad ng  “Zero Waste Pasko” campaign sa Our Lady of Perpetual Help Church sa Project 8, Quezon City, hangad ng grupo na maiwasan ang pagkakalat sa mga daan kasabay ng pagdiriwang ng Pasko.

Ayon kay Ecowaste Campaigner Ochie Tolentino, maaari umanong ipagdiwang ang Pasko na nagtatampok ng iba’t ibang Christmas decoration na gawa sa scrap materials.

Anumang bagay tulad ng recyclables materials ay maaaring gami­ting dekorasyon, sa halip na itapon ay gawin itong mapakinabangan.

Nagbigay din ng payo ang environmental group na dapat iwasan ang maraming basura sa bahay, gumawa ng checklist bago mamili, gumamit ng reusable bag at mas bentahe kung mga lokal na produkto ang bibilhin.

Giit ng Ecowaste, mas magandang ­ipagdiwang ang Pasko sa makakalikasang pa­raan bilang regalo sa Poong Maykapal.

Show comments