Higit P12 milyong shabu nasamsam sa buy-bust

Kinilala ang mga naaresto na sina Datumama Musa, 35; Roncal Manalasal, 23; at Renny Pangalao 48.
STAR/File

MANILA, Philippines — Tinatayang aabot sa mahigit P12 mil­yong halaga ng iligal na droga ang nasamsam sa tatlo katao, sa isinagawang buy-bust ­operation ng mga awtoridad sa Parañaque City, Biyernes ng ­umaga.

Kinilala ang mga naaresto na sina Datumama Musa, 35; Roncal Manalasal, 23; at Renny Pangalao 48.

Sa ulat, ikinasa ang operasyon na pina­ngunahan ng Philippine Drug Enforcement Group (PDEG) ng National Capital Region-Special ­Operations Unit, kasama ang Phi­lippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Sub-Station 6 ng Parañaque City Police Station, sa Barangay Moonwalk, Parañaque.

Nasamsam umano sa mga nadakip ang nasa 1,800 gramo ng shabu. Inihahanda na ang kaso laban sa mga nadakip.

Show comments