^

Metro

P/Colonel nag-amok sa bar, sibak na sa serbisyo

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
P/Colonel nag-amok sa bar, sibak na sa serbisyo
PLt. Col. Mark Julio Abong
STAR / File

MANILA, Philippines — Tuluyan nang sinibak sa serbisyo si PLt. Col. Mark Julio Abong, ang pulis na nanakit ng waiter at nagpaputok ng baril sa isang restobar sa Quezon City.

Ito’y matapos na pagtibayin ni Interior and Local Government Secretary ang dismissal order ng Quezon City People’s Law Enforcement Board (QC PLEB) bunsod naman ng kasong kinasangkutan ni Abong na “hit and run” na ikinasawi ng tricycle driver na si Joel Laroa noong Agosto, 2022.

Una na ring inatasan ni Abalos si PNP chief Gen. Benjamin Acorda, Jr., na maglabas ng dismissal order laban kay Abong na “kalawang” sa PNP.

Marso 2023 nang sibakin si Abong ng People’s Law Enforcement Board (PLEB) matapos na mapatunayang nagkasala sa “grave offenses of misconduct, grave neg­lect of duty, at conduct of unbecoming a police officer”. Tinangka pa ni Abong na itago ang tunay na pangyayari sa pananagasa kay Laroa.

Ayon kay Abalos, wala silang nakikitang matibay na dahilan upang hindi ipatupad ang dismissal order laban kay Abong na napatunayang guilty sa patung-patong na kaso. Nasundan pa ito ng pananakit, pang-aabuso at pagpapaputok sa Ralyoz Drinkery Lounge sa Sct. Rallos St. noong Linggo ng madaling araw.

“We Affirm the assailed Decision dated August 24, 2023 and Resolution dated September 22, 2023 of the Napolcom Regional Appellate Board National Capital Region (RAB NCR) First Division finding Abong guilty of three administrative charges classified as grave offense warranting a penalty of dismissal from service in the Phi­lippine National Police (PNP),” ani Abalos.

Kaugnay nito, nagpahayag ng matinding suporta si Quezon City Mayor Joy Belmonte sa desisyon ni Abalos na isnabin ang hiling ni Abong na huwag siyang parusahan kaugnay sa kinasasakutang kasong hit and run.

Giit ni Abong sa DILG, ang kanyang driver ang sangkot sa aksidente. Gayunman, nakakita ng substancial at circumstantial evidence ang pulisya na mali ang alibi at depensa ni Abong sa ­usapin ng mistaken identity.

Si Abong ay napatunayang nagpagamot sa PNP Health Services ng kanyang mga tinamong sugat sa katawan matapos maganap ang aksidente.

Samantala, sinabi ni QCPD director PBrig. Gen. Redrico Maranan, noong 2019 pa expired ang lisensiya ng baril (Glock 40) ni Abong na ginamit nito sa pagpapaputok sa bar sa QC, base sa record ng CSG FEO.

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->
ad