‘Tulak’ na Vietnamese, arestado

MANILA, Philippines — Isang Vietnamese national ang dinakip dahil umano sa ‘pagtutulak’  ng iba’t-ibang uri ng iligal na droga, sa isinagawang buy-bust operation ng Parañaque City Police Station Drug Enforcement Unit, sa Parañaque City, Miyerkules ng gabi.

Kinilala ang suspek na si alyas Le, na nakatakdang isailalim sa inquest proceedings sa Parañaque Prosecutors Office sa paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) Section 5 at 11.

Sa ulat, dakong alas-8:45 ng gabi kamakalawa  nang maaresto si Le sa Macapagal Boulevard, sa Barangay Tambo, Parañaque.

Nasamsamsa kanya ang 5 pakete ng nabi­ling shabu na naglalaman ng 5 gramo katumbas ng  ?34,000.00, 3 plastic na naglalaman ng kabuuang 18 tableta ng ecstacy na may halagang ?30,600.00, 5 plastic sachet na naglalaman ng Ketamine powder na may halagang ?15,000.00 .

Show comments