^

Metro

Hapones na miyembro ng telecom fraud syndicate, timbog

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Hapones na miyembro ng telecom fraud syndicate, timbog
Kinilala ang suspek na si Saito Shimoeda, 25. Nadakip siya sa paliparan habang tangkang lumabas ng Pilipinas patungo ng Nagoya, Japan nitong Nobyembre 16.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Dinakip ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Hapones na miyembro ng isang telecom fraud syndicate at wanted sa kaniyang bansa sa kasong theft, makaraang masabat siya sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3.

Kinilala ang suspek na si Saito Shimoeda, 25. Nadakip siya sa paliparan habang tangkang lumabas ng Pilipinas patungo ng Nagoya, Japan nitong Nobyembre 16.

Nang sumailalim sa inspeksyon, natukoy na kabilang si Shimoeda sa alert list order. Dito gumawa ng eksena ang Hapones nang sadyaing iuntog ang kaniyang ulo sa immigration counter at magpanggap na inaatake ng sakit.

Hindi ito umubra nang ituloy ng mga tauhan ng immigration ang pagdakip sa kaniya, matapos na makumpirma na may kinakaharap siyang arrest warrant buhat sa Tokyo Summry Court. Noong 2019, pumasok ng Pilipinas ang suspek at nagtago na sa batas.

Nabatid na nagta­trabaho ang suspek bilang “fraud caller” para sa kinabibilangan niyang sindikato na nambibiktima ng mga kababayan niya habang siya ay nasa ibang bansa.

Inilagay na sa black­list ang suspek at klasipikado nang “undesirable alien” ng Philippine immigration.

Nakaditine siya nga­yon sa BI facility sa Bicutan, Taguig habang gumugulong ang kaniyang deportasyon.

vuukle comment

BI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with