^

Metro

Pinay biktima ng sex trafficking sa Malaysia, nakauwi na

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nakauwi na ng Pilipinas ang isang Pinay na biktima ng isang sex trafficking syndicate sa Malaysia makaraang malinlang ng kaniyang illegal recruiter, ayon sa Bureau of Immigration (BI) kahapon.

Nabatid na nakalapag ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 ang 20-taong biktima nitong Nobyembre 8 at nakauwi na sa kaniyang pamilya.

Sinabi ni BI Commissioner Norman Tansingco na-recruit ang biktima ng nakilala lang niya sa internet at pinangakuan siya ng trabaho bilang kasambahay sa Malaysia.

Una siyang bumiyahe sa Palawan kung saan siya sinamahan ng ilang suspek sakay ng isang sailboat patungo sa Kota Kinabalu kasama ang isa pang babae na na-recruit din.

Pagdating sa Malaysia, bumiyahe sila patungo sa isang hotel sa may bulubundukin ng bayan ng Sibu kung saan sapilitan silang pinagtrabaho bilang mga sex workers.

Sinabi ni Tansingco na ikinulong ang biktima, dumanas ng mahirap na kundisyon tulad ng hindi pagkain kapag tumatanggi siya sa utos ng mga bumihag sa kaniya.  Isang beses pinilit siyang magpalaglag nang mabuntis ng isa niyang kustomer.

Kinalaunan, inilipat siya sa isang hotel sa Bintulu hanggang sa dakpin siya ng mga awtoridad ng Malaysia at ikulong.  Nasaklolohan naman siya ng Embahada ng Pilipinas sa Malaysia na siyang tumulong sa kaniya na mailabas ng kulungan at ma-repatriate.

Nagpahayag naman si Tansingco ng pagkadismaya sa patuloy na operasyon ng mga sindikato na nagsasamantala sa pagnanais ng mga Pilipino na magkaroon ng trabaho sa ibang bansa na may malaking sahod.  Sinabi niyang isa nang “henious crime” ang human trafficking na dapat nang matuldukan ng mga awtoridad. 

vuukle comment

BI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with