300K volunteers ng PPCRV, magbabantay sa BSKE
MANILA, Philippines — Kinumpirma kahapon ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) na nasa 250,000 hanggang 300,000 volunteers nila sa buong bansa ang nakatakdang tumulong upang magbantay sa mga kaganapan ng 2023 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (2023 BSKE) na idaraos ngayong araw, Oktubre 30.
Ayon kay PPCRV, national coordinator Arwin Serrano, nagsagawa na sila ng send-off ceremonies para sa kanilang mga volunteers nitong Linggo, matapos ang isang banal na misa.
Nagpahayag din siya ng kalungkutan na may ilang lugar na hindi nila mababantayan ang halalan dahil na rin sa kakulangan ng mga volunteers.
Sa ngayon ay sinusubukan pa aniya nilang maghanap ng mga volunteers para sa mga naturang lugar.
“Mayroon kaming mga iba’t ibang lugar na hindi mababantayan. Nalulungkot din ako kasi mayroon talagang ilang lugar na hindi talaga natin mababantayan,” ani Serrano, sa isang panayam sa radyo.
Ang PPCRV ay siyang accredited citizen’s arm ng Commission on Elections (Comelec) para sa halalan.
- Latest