^

Metro

Scammers na target ang BI commissioner, tugis ng NBI

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Humingi na ng tulong ang Bureau of Immigration (BI) sa National Bureau of Investigation (NBI) para mahabol at mapanagot ang mga scammers na guma­gamit sa pangalan ni Commissioner Norman Tansingco makaraang tangkaing biktimahin ang isa nilang kontraktor.

Ayon kay Tansingco, tinawagan ng scammer ang may-ari ng kum­panya na nanalong bidder para sa medical supplies.  Ginamit ng salarin ang pangalan ni Tansingco saka nanghingi ng umano’y donasyon.

Nanghihingi ang scammer ng inisyal na P50,000 bilang donas­yon umano sa Philippine Red Cross at isa pang P75,000 para naman sa donasyon sa mga batang PWDs (person with disabilities).

Hiningi na ni Tansingco ang tulong ng NBI-Cybercrime Division at ng Cybercrime Investigation and Coordina­ting Center (CICC) para imbestigahan ang insidente.

Hiniling din niya sa publiko na patuloy na maging mapagmatyag at huwag patulan ang naturang mga tawag sa halip ay agad itong iulat sa mga awtoridad.

“We do not take this lightly. We are in close coordination with anti-cybercrime agencies and want these scammers behind bars,” saad ni Tansingco.

vuukle comment

BI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with