^

Metro

5 dayuhan na sangkot sa crime group, timbog

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinaiimbestigahan ngayon ng Bureau of Immigration (BI) sa National Bureau of Investigation (NBI) ang limang dayuhan na nadakip kamakailan sa Palawan na nagpapakilalang mga Pinoy at may mga hawak pa na Philippine driver’s license.

Nais malaman ngayon ni Immigration Commissioner Norman Tansingco kung paano nakakakuha ng naturang mga dokumento ang mga dayuhan at malaman kung sino ang responsable sa mga ahensya ng pamahalaan na naglalabas nito.

Sa ulat ni BI intelligence division (ID) chief Fortunato Manahan Jr., nadakip ang mga suspek nitong Oktubre 17 sa may Taytay, Puerto Princesa City at sa El Nido sa Palawan, makaraan ang impormasyon na ilang dayuhan ang nagtatrabaho ng walang sapat na working documents.  Katuwang ng BI ang mga operatiba ng Armed Forces of the Philippines, at ng National Bureau of Investigation.

Kinilala ang mga nadakip na sina  Lin Yongzhen, 45; Zhang “Alex” Haicong, 49; isa pang Chinese na may pangalang Zhang Haicong, 33; Taiwanese national na si Lin Tsung-Te, 58; at Zhang Jinfei, 47.

Nakunan ang mga suspek ng working visa ngunit para sa ibang lugar, habang nakumpiska kina Zhang Haicong at Zhang Jinfei ang Philippine driver’s license na nakasaad na Pilipino sila.

Nabatid na nagtatrabaho ang lima sa isang pa­ngisdaan malapit sa isang naval base at may ulat na may ugnayan sila sa isang Palawan-based organized Chinese crime group.  Sangkot ang grupo sa mga iligal na aktibidad kabilang ang iligal na “wildlife trade”, pag-aasikaso sa iligal na pagpasok ng mga hindi dokumentadong Chinese nationals, at pagkakanlong sa kanila.

Sila rin ang nasa likod ng pagbili ng mga lupain gamit ang pangalan ng mga Pilipino na nagsisilbi nilang proxies at pagkakaroon ng mga Philippine documents tulad ng driver’s license.

“They were arrested for violation of the Philippine immigration act and will remain in the BI’s facility in Bicutan, Taguig while facing their deportation cases,” ayon kay Tansingco.

vuukle comment

BI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with