^

Metro

‘Di sasama sa welga, ‘wag i-harass

Manny Tupas - Pilipino Star Ngayon
‘Di sasama sa welga, ‘wag i-harass
Members of the Philippines National Police (PNP) wait for instructions on security measures inside the Batasang Pambansa Complex on July 20, 2023, as part of the preparations for the upcoming State of the Nation Address (SONA) of President Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr.
Jesse Bustos

PNP sa grupong manibela

MANILA, Philippines — Nagbabala ang Philippine National Police (PNP) sa grupong Manibela na huwag i-harass ang mga public utility jeepney (PUJ) operators at drivers na hindi sasali sa kanilang tigil-pasada.

Ayon kay Col. Jean Fajardo, tagapagsalita ng PNP malaya umano ang transport group na Mani­bela na iere ang kanilang mga hinaing pero huwag namang i-harass ang hindi ma­kikiisa sa kanilang pagkilos.

“Huwag naman sana nilang pilitin ‘yung ating mga kababayan na driver na gusto naman pumasada para pagsilbihan ‘yung ating mga kababayan,” dagdag pa nito.

Sa kabila umano nang ipapatupad na maximum tolerance, hindi naman sila mangi­ngi­ming ipatupad ang batas sakaling mag­simula ng kaguluhan ang naturang transport group.

“Kapagka kayo ay nag-violate ng mga batas ay maintindihan niyo rin na kailangan i-maintain ng PNP ang peace and or­der and we have to enforce the law,” pahayag pa ni Fajardo.

Ikinasa ng Manibela ang tigil-pasada bilang protesta sa jeepney modernization program at ang pagpapalawig ng kanilang prankisa.

Nakahanda rin ang PNP na imobilisa ang kanilang mga sasak­yan para magbigay ng libreng sakay sa maa­pektuhang commuters.

Ikalalat din ang kanilang mga tauhan para magpanatili sa peace and order sa mga lansangan.

PNP

PUJ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with