Manila North at South cemetery, inihahanda na sa Undas
MANILA, Philippines — Maagang inihahanda na sa Undas ang Manila North at South Cemetery na inuumpisahan nang linisin ng pamahalaang lungsod ng Maynila.
Kahapon, nag-ikot ang clearing team ng City Engineering Office sa Manila North Cemetery at hinakot ang mga nagtumbahang puno sa loob ng sementeryo.
“Continuous po ang cleaning and clearing po ng South at North cemeteries in preparation po sa Undas 2023,” ayon kay Atty. Princess Abante, tagapagsalita ni Mayor Honey Lacuna.
Maagang naglabas din ng abiso ang lokal na pamahalaan ng Maynila ukol sa mga aktibidad para sa Undas.
Sinabi ni Abante na papayagan ang paglilinis ng mga puntod hanggang Oktubre 25 lamang, habang sususpindihin ang paglilibing mula Oktubre 28 hanggang Nobyembre 3.
Papayagan lamang makapasok ang mga sasakyan sa North Cemetery hanggang Oktubre 25 at sa South Cemetery sa Oktubre 28.
Sa Oktubre 30 hanggang Nobyembre 2, bubuksan ang gate ng mga sementeryo mula alas-5 ng madaling araw hanggang alas-5 ng hapon lamang.
- Latest