‘Modelo lang ako ng kompanya’ - Ricardo Cepeda

Ricardo Cepeda

MANILA, Philippines — Iginiit ng aktor na si Ricardo Cepeda na modelo lamang siya ng inirereklamong kompanya at wala siyang kinalaman sa operasyon nito.

Sinabi ito ni Cepeda matapos siyang damputin ng mga tauhan ng Quezon City Police District- Warrant Section nitong Sabado bunsod ng kasong syndicated estafa.

Ani Cepeda, mo­delo lamang siya ng mga produkto nang ini­rereklamong kompanya, tulad ng energy-saving gadgets.

Inaresto si Ricardo nitong Sabado sa Caloocan sa bisa ng arrest warrant na inilabas ng korte kaugnay sa kasong syndicated estafa na isinampa laban sa aktor sa iba pang suspek na pinaghahanap.

Hindi masabi ng QCPD-CIDU ang halagang sangkot sa estafa na inireklamo ng mahigit 40 katao, na nangyari sa Cagayan.

Aminado si Cepeda na kailangan niyang patunayan na inosente siya habang nakakulong dahil walang piyansa ang kaso.

Naniniwala si Cepeda na mapapawalang-sala siya sa mga isinampang kaso laban sa kaniya.

Show comments