503 residente inilikas sa Valenzuela City storage facility fire

Ilang eksena sa sunog sa Herco Trading at G. Molina St., Bagbaguin ngayong ika-28 ng Setyembre, 2023
Released/Valenzuela City Facebook page

MANILA, Philippines — Daan-daang residente ang napilitang lumikas matapos sumiklab ang apoy sa Herco Trading  — isang storage facility — sa Brgy. Bagbaguin, Lungsod ng Valenzuela.

Umabot na sa 503 katao o 118 pamilya ang inilikas sa ngayon sa tatlong evacuation centers kabilang ang A. Mariano Elementary School, Old Barangay Hall, Bagbaguin at Paso de Blas 3S Center.

"Affected families are currently taking temporary shelter at evacuation sites in A. Mariano Elementary School, Old Barangay Hall-Bagbaguin, and Paso De Blas 3S Center," wika ng Valenzuela City local government unit sa kanilang Facebook page ngayong Huwebes.

"The Bureau of Fire Protection-Valenzuela raised the fire alarm to 'Task Force Bravo' as of 3:40 PM today."

 

 

 

 

Bandang 12:30 p.m. pa nang hapon nang maitala ng Valenzuela City Command, Control and Communication Center ang unang alarma ng apoy, bagay na sinasabing nagmula sa "vapour cloud fire."

Hanggang sa ngayon ay hindi pa rin naaapula ang sunog. Wala pa namang naiuulat na sugatan o nasawi mula sa insidente sa ngayon.

Personal nang binisita ni Valenzuela Mayor Wes Gatchalian ang lugar upang agad maasikaso ang mga apektadong indibidwal.

 

 

— James Relativo

Show comments