10-talampakang sawa, nakatakas, pinaghahanap

MANILA, Philippines — Pinaghahanap nga­yon ng mga awtoridad ang 10 talampakang sawa makaraang makatakas mula sa kamay ng mga security officer ng Barangay Pinagbuhatan sa Pasig.

Ayon kay Pasig Police Chief PCol. Celerino Sacro, nahuli nitong August 27 sa isang bahay sa Brgy. Pinagbuhatan ang sawa matapos i-report ng residente kayat agad itong narespondehan ng mga tauhan ng Barangay at hinuli.

Gayunman, lumusot umano sa kanal ang sawa at tuluyang hindi nakita Biyernes ng gabi

Dahil dito, ipinag-utos ni Sacro ang maigting na operasyon para mahanap ang sawa.

Maliban naman sa mga taga Brgy. Pinagbuhatan, binalaan na rin ng Pasig PNP ang mga kalapit barangay na mag-ingat.

Show comments