Mangingisda pinagbabaril sa P300 utang, kritikal

MANILA, Philippines — Dahilan lamang sa kabiguang magbayad ng utang na P300, nasa kritikal na kondisyon ngayon ang isang mangingisda nang pagbabarilin ng pinagkakautangan nitong helper matapos ang mainitang pagtatalo sa Malabon City, nitong Sabado ng umaga.

Patuloy na inoobserbahan sa Tondo Medical Center sanhi ng mga tinamong tama ng bala sa katawan ang biktimang si Christopher Borja, ng Rodriguez 1 St., Brgy. Dampalit ng lungsod.

Nakapiit naman nga­yon habang nahaharap sa kaukulang kaso ang suspect na kinilalang si Amador Bernardo, alyas Baki, 41 ng Masipag St., DMCI, Brgy Tanza, Navotas City.

Dakong alas-7 ng umaga nang komprontahin ng suspect ang biktima na sinisi­ngil sa utang nitong P300 sa may Brgy. Dampalit.

Wala namang maiba­yad si Borja na nauwi sa mainitang pagtatalo sa pagitan ng dalawa.

Ilang saglit pa naglabas ng baril ang suspect at binaril ang biktima na nagawa pang makatakbo pero hinabol ito ni Bernardo saka muling binaril bago mabilis na tumakas sakay ng isang bisikleta. habang isinugod naman si Borja sa San Lorenzo Ruiz Hospital at kalaunan ay inilipat sa Tondo Medical Center.

Sa isinagawang follow-up operation nasakote ang suspect, habang sakay ng bisikleta at nakumpiska  mula dito ang isang cal. 357 magnum na ginamit sa pamamaril sa biktima. 

Show comments