MANILA, Philippines — Umaabot sa 1,746 indibidwal ang napagkalooban ng financial assistance ng lokal na pamahalaan ng Quezon City.
Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, tig- P5,000 bawat isa ang natanggap ng mga benepisyaryo sa ilalim ng programang Small Income Generating Assistance (SIGA) ng Social Services Development Department (SSDD).
Sinabi ni Belmonte, layunin ng programa na mabigyan ng capital assistance ang mga benepisyaryo para maging puhunan sa kanilang napiling negosyo.
Ang grupo naman ng Foodilicious, Tender Meat Masters, Lady Bubbles at Mary’s Collection and Sewing Craft ay nagkaroon ng aabot sa P60,000 mula Sikap At Galing Pangkabuhayan (SIGAP) para mas mapalago at maparami pa ang kanilang mga produktong itinitinda.
Inaanyayahan ni Belmonte ang mga residente sa lungsod na makipag-ugnayan sa SSDD kung may kakaiba at bagong ideya kaugnay ng naturang programa.