^

Metro

Fuel subsidy sa PUVs, target na ipamahagi ngayong Agosto - LTFRB

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Fuel subsidy sa PUVs, target na ipamahagi ngayong Agosto - LTFRB
This undated file photo shows a station attendant filling a customer's gas tank with fuel.
The STAR / Michael Varcas, file

MANILA, Philippines — Target ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na ipamahagi ang fuel subsidy sa mga driver at operator ng mga public utility vehcicles (PUVs) o mga pampasaherong sasakyan bago matapos ang buwang ng Agosto.

Ayon kay Director Joel Bolano, hepe ng  technical division ng LTFRB, oras na mai-download ng Department of Budget and Management (DBM) ang pondo para rito ay agad ipatutupad ang distribusyon ng fuel subsidy.

Anya may P3 bilyon ang laan ng pamahalaan para sa fuel subsidy.

Ang pondo ay ilalagay sa  call cards ng mga driver para makapagpakarga ng  petrolyo sa mga piling gasolihan. Mayroong P10,000 ang laan sa bawat modern jeepney at UV Express unit at P6,500 sa driver ng traditional jeepneys.

Ang motorcycle taxis at delivery service riders ay bibigyan ng P1,200 sa kanilang  e-wallet habang ang mga  tricycle drivers ay bibigyan ng tig-P1,000 bawat isa na ipamamahagi sa mga LGU kung saan sila nakarehistro.

PUVS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with