Writ of Execution sa paglilipat sa 10 barangay sa Taguig
MANILA, Philippines — Kailangan munang maglabas ng “writ of execution” ang Pamahalaang Lungsod ng Taguig para maipatupad ang paglilipat ng hurisdiksyon sa 10 barangay na nasa ilalim ng Makati City.
Ito umano ang isinasaad na tugon ng SC Administrator sa query o tanong na inihain ni Makati Regional Trial Court Branch 64 Executive Judge Gina M. Bibat-Palamos.
Inilabas kahapon ni Makati City Administrator Claro Certeza ang naturang tugon ng SC upang bigyang kalinawan umano ang estado ng kasalukuyang hurisdiksyon sa 10 barangays na nasa Fort Bonifacio.
“Meanwhile, as an initial assessment, the decision of the Supreme Court’s Third Division should be the subject of a writ of execution before the trial court of origin. When the said writ has been implemented by the Department of Interior and Local Government, then that is the reckoning period for the transfer of jurisdiction of cases emanating from the Fort Bonifacio Military Reservation, consisting of Parcels 3 and 4, Psu-2031, from Makati City to the City of Taguig,” bahagi umano ng pahayag ni SC Court Administrator Raul B. Villanueva noong Hulyo 25, 2023.
Nangangahulugan umano ito na kailangang gumawa muna ng ‘writ of execution’ sa orihinal na korte na naglitis ng kaso, saka ipatutupad ng DILG.
Sinabi ni Certeza na ang tugon ng SC ang malinaw na daan at mga hakbang na kailangan munang magawa bago maipatupad ang paglilipat sa hurisdiksyon ng mga barangay.
Inamin ni Certeza na siya mismo ang lumiham kay Palamos nitong Agosto 11 para humingi ng klaripikasyon sa proseso ng implementasyon ng transfer. Natanggap niya ang tugon ng huwes nitong Lunes na ibinase sa sagot ng SC Office of the Administrator.
Nanawagan si Certeza sa lokal na pamahalaan ng Taguig na sumunod sa “rule of law” para maiwasan ang kalituhan sa mga magulang at mag-aaral at ang hindi kinakailangan na tensyon sa mga barangay na apektado ng SC decision.
- Latest