^

Metro

Caloocan LGU umayuda sa mga binaha

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagsagawa ng inspeksiyon si Caloocan City Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan, sa ilang barangay sa lungsod  kung saan namigay ng mga pagkain at tulong medikal matapos ang pananalasa ng bagyong Egay.

Kasama ang mga tauhan ng  City Health Department (CHD) at City Social Welfare and Development Department (CSWDD), perso­nal na binisita ni  Malapitan ang mga residente sa Brgy. 180, 183, at 185  na lubhang naapektuhan  ng bagyo.

Ayon kay Malapitan, walang dapat ikabahala ang mga residente  dahil ibibigay ng  LGU ang lahat ng tulong at  pangangailangan ng mga evacuees hanggang sa maging maayos ang kanilang pagbabalik sa kanilang mga tahanan.

“Tiniyak po natin na mayroong pagkain, sapat na atensyong medikal at maayos na matutulugan ang ating mga kababayan sa gitna ng pagbabaha at tuluy-tuloy na pag-ulan sa kanilang lugar. Sisiguruhin natin na kompor­table sila sa evacuation center hanggang makabalik sila sa kani-kanilang tahanan,” ani Malapitan.

Kasabay nito,  binisita rin ni Malapitan ang mga flood-prone ­areas sa lungsod kabilang ang   Doña Aurora sa Brgy. 177; Phase 6 sa Brgy. 178, at Crispulo St. at Quirino Highway sa Brgy. 180.

Inatasan ni Malapitan ang City Engineering Department  na pag-aralan ang mga posibleng solusyon upang maiwasan ang mga pagbaha. Nanawagan din ito sa mga residente  na agad makipag ugnayan sa city govt  sakaling may emergency situations sa pamamagitan ng alert and monito­ring emergency hotline.

“Nagbigay na po ako ng direktiba sa ating City Engineering Department na magsagawa ng mga dredging operation at magkaroon ng mga proyekto upang maibsan ang pagbaha sa mga lugar sa ating lungsod,” dagdag pa ng alkalde.

DALE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with