Taas-presyo sa petrolyo, nagbabadya
MANILA, Philippines — Nagbabadya umano ang pagtataas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa sa susunod na linggo.
Ito ay ayon sa ilang oil industry players sa bansa.
Anila, batay sa unang 4-araw ng trading sa world market o mula Hunyo 5-8, ay posibleng may pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo.
Kung magtutuluy-tuloy, posible anilang magkaroon ng P1.20 kada litro na taas sa presyo ng diesel, P1 naman kada litro sa presyo ng gasolina at P1.26 kada litro sa presyo ng kerosene.
Ang adjustment sa presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa ay iniaanunsiyo tuwing Lunes at ipinatutupad naman kinabukasan, araw ng Martes.
- Latest