^

Metro

BI nagpaliwanag sa mahabang pila sa departure area ng NAIA-T3

Butch Quejada - Pilipino Star Ngayon
BI nagpaliwanag sa mahabang pila sa departure area ng NAIA-T3
Passengers wait in line at the immigration area as the Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 services more international flight departures and arrivals.
Rudy Santos

MANILA, Philippines — Nagpaliwanag ang Bureau of Immigration (BI) sa mga pasaherong bumibiyahe sa ibang bansa hinggil sa napaulat na siksikan sa immigration departure area ng NAIA terminal 3.

Ayon kay Elsie Romero, BI Terminal head ng NAIA T3, na may sapat silang manpower na nakatalaga sa mga immigration counter sa Paliparan.

Paliwanag nito, bagama’t sapat ang kanilang tauhan sa airport, ang mahabang pila ng mga pasaherong ito ay hindi maiwasan dahil sa paglilipat ng ilang airline mula NAIA 1 patungong NAIA 3.

Ayon kay Lucero, ang paglipat sa NAIA 3 ng ilang airlines ay nagdulot ng 10-porsiyento na pagtaas sa average na bilang ng mga pasahero sa Terminal 3 kada araw.

Iniugnay din ni Lucero ang problema sa pagsisikip sa NAIA T3 sa iba pang mga kadahilanan, tulad ng limitadong espasyo, pagkaantala ng flight dulot ng masamang panahon, at ang madalas na pagdedeklara ng lighting alerts na nagreresulta ng sabay-sabay na pagbaba ng mga pasahero mula sa mga apektadong flight.

NAIA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with