Lider ng robbery group, arestado

MANILA, Philippines — Arestado ang sinasabing lider ng ‘Alvin robbery/ holdup group’ nang matunton sa isang ospital sa Las Piñas City, Huwebes ng gabi.

Sa pamamagitan ng warrant of arrest, dinakip ang akusadong si Alvin Delario na may mga  alyas na Alvin Muslim, Alvin Abdul Rahip Abdul Rahim at Ibrahim Abdularif Magboo, 29.

Dakong alas-11 ng gabi nang arestuhin sa loob ng Las Piñas General Hospital si Delario ng pinagsa­nib na pwersa ng Warrant and Subpoena Section at Station Intelligence Section ng Las Piñas Police Station, kasama ang mga tuhan ng Zapote Substation  at Bacoor City Police Station, kaugnay sa kasong murder na walang inirekomendang piyansa, ng Regional Trial Court, Branch 198, Las Piñas City.

Show comments