^

Metro

2 timbog sa pagnanakaw sa jewelry shop

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nadakip ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang isang lalaki na nanloob sa isang jewelry store ng higit P10-milyong alahas at maging ang sinasabing kasabwat niyang saleslady, ka­makalawa ng umaga sa Sta. Cruz, Maynila.

Nahaharap sa kasong robbery ang suspek na si Jeffery Logronio, nasa hustong gulang; habang kasong qualified theft naman ang inihain sa saleslady na si Cheril Vandidato, 39-taong gulang, nakatira sa Naic, Cavite.

Sa ulat ng MPD-Meisic Police Station 11, dakong alas-9:02 ng umaga nang pumasok sa jewelry store sa No. 764 F. Torres St., Sta. Cruz, Maynila ang suspek na si Logronio na nakasuot ng orange long sleeves shirt, helmet, at backpack.

Makikita sa CCTV ng tindahan na tinutukan ng holdaper ang saleslady ng baril. Iniabot ng suspek ang isang berdeng ecobag na nilamanan ni Vandidato ng hindi madeterminang dami ng gintong alahas.

Agad na umalis sa lugar ang suspek sakay ng isang motorsiklo ngunit hindi agad ito iniulat ng saleslady sa mga awtoridad. Dakong alas-10:10 na ng umaga nang ipagbigay-alam niya ang panghoholdap sa mga istambay sa lugar at bago sa pulisya.

Dahil dito, pinaaresto rin si Vandidato ng may-ari ng tindahan na si Patrick Oraa, dahil sa hinalang sabwatan sa holdaper.

Nadakip sa follow-up operation ng pulisya ang suspek na si Logronio at nabawi sa kanya ang nasa 3.5 kilo ng gintong alahas na may halagang P10.5 milyon.

MAGNANAKAW

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with