MANILA, Philippines — Timbog ang isang Ferdinand Marcos sa Lungsod ng Taguig matapos ireklamo ng "acts of lasciviousness" ng sari-saring babae sa isang bar — pero hindi siya 'yung kasalukuyang presidente ngunit isang Filipino-British partygoer.
Iniulat 'yan ng Southern Police District sa isang Facebook post nitong Lunes matapos siyang arestuhin ng mga tauhan ng Substation 1 Taguig City Police Station noong Linggo ng madaling araw dahil sa mga pinaggagagawa niya raw sa isang inuman sa Bonifacio Global City.
"A 23-year-old British-Filipino was arrested by personnel of Substation 1 Taguig CPS for Alleged Acts of Lasciviousness at a bar in BGC, at about 3:20 AM of April 30 (Sunday)," wika ng SPD-Public Information Office.
"Report indicated that while suspect was inside the said place having a party, when he suddenly kissed alias Denise, 19 years old and tried to invite alias Queenie, 23 years old for sex and touched the breast of alias Raca, 19 years old, a call center agent while dancing."
Nagreklamo daw tuloy ang mga nabanggit sa kanilang mga kaibigan at sa mga arresting officers, bagay na dumulot sa agarang pagkakasakote ng suspek.
Ayon sa Article 336 ng Revised Penal Code, pinaparusahan ng pagkakakulong na aabot sa anim na buwan at isang araw hanggang anim na taon (prision correccional) ang sinumang mapatutunayang nagkasala ng acts of lasciviousness.
"Complaints are being readied against the suspect," panapos ng kapulisan sa isang pahayag. — James Relativo