^

Metro

Single ticketing system, simula na sa Mayo 2

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Single ticketing system, simula na sa Mayo 2
Motorists and commuters experience a bumper-to-bumper traffic along the southbound lane of EDSA in Quezon City on April 11, 2023.
STAR/Jesse Bustos

LTO nagpaalala sa motorista

MANILA, Philippines — Pinaalalahanan ng  Land Transportation Office (LTO) ang mga motorista sa pagpapatupad na sa  single-ticketing system sa Metro Manila.

Sa sistemang ito, pitong lokal na pamahalaan ang kasama sa inisyal na rollout sa May 2, 2023, kabilang ang San Juan City, Quezon City, Parañaque, Manila, Muntinlupa, Valenzuela, at Caloocan.

Ayon kay LTO Chief Jay Art Tugade, handa na ang mga nabanggit na LGU sa pagpapatupad ng unified ticketing system kung saan magkakaroon sila ng koneksyon sa data base ng LTO.

Isa sa ipinunto ni Tugade ang pagkakaroon din ng demerit system sa ilalim ng bagong polisiya kung saan ang mga lalabag sa batas-trapiko ay may kaakibat na demerit points.

Oras na umabot ito sa 10 demerit points ay oobligahin na ang driver na sumailalim sa re-orientation course at maaari pang humantong sa pagpapawalang bisa ng lisensya kung umabot sa 40 ang demerit points.

Niliwanag naman ni Tu­gade na  hindi kukumpiskahin ang lisensya ng motorista kapag nahuling lumabag sa batas-trapiko maliban na lamang kung ito ay may pen­ding pang multa na hindi nababayaran.

SINGLE TICKETING SYSTEM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with