^

Metro

4 timbog sa droga at baril

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines —  Arestado ang dalawang babae at dalawang lalaki na nahulihan ng halos P700 libong halaga ng ilegal na droga at baril, sa isinagawang buy-bust operation sa Makati City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Benjamin Docena, 56; Ma. Cristina Docena, 53; John Mccormick, 70; at Jazel Anshierina Capati, 30.

Nasamsam sa mga ito ang nasa 101.63 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng nasa P700,000, bukod pa sa isang .38 kalibre na baril at mga bala.

Nabatid na dakong alas- 11:36 ng gabi  nang isagawa ang operasyon sa bahay ng mga suspek sa Barangay Poblacion, Makati City.

Isasailalim sa inquest proceedings ang mga suspek sa reklamong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) at RE 10591 (illegal possession of firearms).

vuukle comment

BENJAMIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with