2 gusali sa Quezon City, pinasinayaan nina Sen. Bong Go at Konsi Mikey Belmonte

MANILA, Philippines — Magkatuwang na pina­ngunahan nina Senador Bong Go at Quezon City District 2 Councilor Mikey Belmonte ang pagpapasinaya sa dalawang multi-purpose building sa Quezon City.

Unang pinasinayaan at nai-turn over ng mga ito ang MB-SBG Multi-purpose Building sa Promise Land, sa Brgy. Bagong Silangan at sinundan ito ng pagpapasinaya nina Senador Bong Go at Councilor Belmonte sa isa pang Multi-Purpose Building sa Diamond Home Owner Association sa Brgy. Commonwealth, Quezon City.

Ayon kay Councilor Belmonte na personal niyang ininspeksyon ang mga bahagi ng gusali at tiniyak nito na malaki ang maitutulong ng mga bagong gusali sa paghahatid ng serbisyo sa mga taga-lungsod.

Makaraan nito ay personal na sinaksihan ni Senador Go sa SB Park sa Brgy. Batasan Hills ang pagkakaloob ng financial assistance ng DSWD sa isang libong mahihirap na benepisyaryo sa nasabing Lungsod.

Ilan sa pinamahagi ni Senador Go ang personal na tulong sa mga benepisyaryo ng grocery packs, vitamins, face mask at burger. Ilan din sa mga ito ay maswerteng nag-uwi ng bisekleta, sapatos, relo at cellphone, gamit sa basketball at volleyball na nakaugalian nang binibigay ng senador sa tuwing bibisita ito sa mga mahirap na mamamayan.

Show comments