^

Metro

Kotse niligaw ng Waze, swak sa riles ng PNR

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Kotse niligaw ng Waze, swak sa riles ng PNR
Pinagtulungan ng mga tauhan ng MMDA na alisin sa pagkakaipit sa riles ang kotse na muntikan pang mahulog sa ilog matapos umanong maligaw dahil sa sinusundang Waze map application sa Pandacan, Maynila kahapon.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Naipit sa riles at muntik nang mahulog sa ilog ang isang kotse na minamaneho ng isang dayuhan nang iligaw umano sila ng ginagamit nilang map/navigation application at mapadpad sa PNR Station railroad sa Pandacan, Maynila kahapon ng madaling araw.

Sa ulat ng Pandacan Police Station 10 ng Manila Police District, pasado alas-4 ng mada­ling araw nang ma-mo­nitor ang pagkakaipit ng isang puting Ford Focus SUV sa riles sa Beata PNR station south bound sa may Tomas Claudio Street malapit sa Beata St., Pandacan.

Sakay ng sasakyan ang Chinese-Malaysia na nakilala lamang sa pangalang “Wiselie”, lalaki, 28-taong gulang, nakatira sa LP Leviste St., Bel-Air, Makati City at ang pasahero niyang si Judy Adriano, 27, nakatira sa Harrison Mansion, FB Harrison, Pasay City.

Sa ulat, patungo sa Makati City ang sasakyan nang dumaan sa riles ngunit naipit ang gulong nito at hindi na makaalis.  Nagdulot ito ng panganib at pagkaantala sa serbisyo ng PNR nang ipahinto ang mga bumibiyaheng tren.

Agad na tumawag ang Pandacan Police Station ng tulong sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na mabilis na rumesponde. Kinailangan pang gumamit ng crane para matanggal ang sasakyan sa pagkakaipit sa riles.

“During the process ng pag-uwi nila, eh tinuturo sila on the way sa Pandacan…hanggang sa naituro sila ng Waze sa riles ng tren na supposed to be. Hindi naman dapat doon ang way nila at nagkamali siguro ang application. Doon sila naituro at sinundan nila,” ayon kay Pandacan Police chief PCapt Michael Locsin.

Sa ilalim ng riles kung saan sila naipit ay ang makitid na ilog na kung hindi agad natanggal ang sasakyan ay maaari silang mahulog, ayon pa sa opisyal.  

TOMAS CLAUDIO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with