^

Metro

Kelot kalaboso sa droga, boga at granada

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patung-patong na kaso ang kakaharapin ng isang 40-anyos na lalaking nahuli sa isang drug buy-bust ­operation na bukod sa droga ay nasamsaman din ng baril at granada sa  Las Piñas City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang naarestong suspek na si Roberto Flores Aringo, alyas Jon.

Sa ulat, dakong alas-6:30 ng gabi kamakalawa nang maaresto ang suspek ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit at Station Intelligence Section ng Las Piñas City Police Station, kasama ang Zapote Sub-station 1, Kawayanan Tambakan, Pulang Lupa Uno.

Nasa 12.2 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng  ?82,960.00 ang nasabat dito bukod pa sa isang kalibre .38 baril na may 4 na bala at isang granada.

Isinailalim na sa inquest proceedings ang suspek sa paglabag sa Section 5 at 11 ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002), RA 9516 at RA 10591 para sa ilegal na pagdadala ng baril at granada.

vuukle comment

REPUBLIC ACT 9165

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with