200 tablets para sa mga mag-aaral, pinamahagi ng Quezon City LGU
MANILA, Philippines — Sinimulan na ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang pamamahagi ng 200 Samsung Galaxy Tablets para sa mga estudyante.
Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, kabilang sa mga nabigyan ng bagong tablet ang mga mag- aaral na nasa Grades 1, 2 at 3 sa Apolonio Samson Elementary School (ASES) sa lungsod.
Ayon dito, pinamimigay ang tablet sa mga estudyante ng pampublikong paaralan bilang suporta sa kanilang mga pangangailangan sa pag-aaral.
Mula taong 2020, nang simulang mamahagi ang QC LGU ng tablets, umabot na ngayon sa 309,054 tablets ang naipamigay sa mga mag-aaral sa QC.
- Latest