Presyo ng petrolyo, aalagwa sa susunod na linggo

Sa pagtaya ng ilang industry players, posib­leng umabot sa mula P0.50 hanggang P0.90 kada litro ang pagtaas ng presyo ng diesel at gasolina.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Inaasahang magkakaroon ng pagtaas ang mga presyo ng diesel at gasolina sa nalalapit na araw ng Martes, Enero 17.

Sa pagtaya ng ilang industry players, posib­leng umabot sa mula P0.50 hanggang P0.90 kada litro ang pagtaas ng presyo ng diesel at gasolina.

Samantala, maaari naman umanong manatiling stable ang presyo ng kerosene o di kaya ay tumaas ng P0.40 kada litro.

Noong Enero 10, tinapyasan naman ng mga kumpanya ng langis ang presyo ng gasolina, diesel at kerosene.

Show comments