Presyo ng petrolyo, aalagwa sa susunod na linggo
January 15, 2023 | 12:00am
MANILA, Philippines — Inaasahang magkakaroon ng pagtaas ang mga presyo ng diesel at gasolina sa nalalapit na araw ng Martes, Enero 17.
Sa pagtaya ng ilang industry players, posibleng umabot sa mula P0.50 hanggang P0.90 kada litro ang pagtaas ng presyo ng diesel at gasolina.
Samantala, maaari naman umanong manatiling stable ang presyo ng kerosene o di kaya ay tumaas ng P0.40 kada litro.
Noong Enero 10, tinapyasan naman ng mga kumpanya ng langis ang presyo ng gasolina, diesel at kerosene.
BrandSpace Articles
<
>
Philstar
- Latest
Latest
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am