2 babaeng ‘tulak’, huli sa buy-bust

MANILA, Philippines — Timbog ang dalawang babaeng ‘tulak’ sa isinagawang buy-bust operation ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Taguig City Police sa nabanggit na lungsod, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga suspek na sina May-Ann Enon, 28 at Susan Cantape, 33. Naaresto ang mga ito sa  Block 2, Lot 41 Damayan Area, Zone 3 Brgy. Central Signal, Taguig City.

Nakabili ng halagang P200 ang poseur-buyer na naging daan upang arestuhin ang mga suspek.

Nasamsam sa mga suspek ang  12.2 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P82,960.00.

Nakatakdang isalang sa inquest proceeding sa ­Ta­guig Prosecutor’s Office ang mga suspek sa paglabag sa section 5 at 11 (pushing at possession) ng Republic Act 9165 o Comprehensive dangerous Drugs Act of 2002.

Show comments