‘Door-to-door’ na mga doktor sa seniors at bedridden sa Maynila
MANILA, Philippines — Hinimok ni Manila Mayor Honey Lacuna ang mga doktor na naglilingkod sa pamahalaang lungsod na maglaan ng oras para bisitahin ang mga residenteng maysakit at senior citizens na hindi na kayang magtungo sa pagamutan.
Sa “Kalinga sa Maynila” forum, na isinasagawa ng regular sa iba’t ibang barangay, sinabi ni Lacuna na nababahala siya sa pagse-self medicate ng ilang mga kababayan lalo na ang mga bedridden at senior citizens na sa halip na magtungo sa pagamutan para magpakonsulta ay umiinom ng mga gamot na binili gamit ang mga lumang reseta.
Dahil dito, pinayuhan ni Lacuna ang mga pasyente na itigil na ang paggamit ng mga gamot na matagal nang nireseta sa kanila at hinikayat ito na magpa- check-up at magpatingin.
“Ang pinakamainam po nating gawin, tiyagain po natin dalhin ang mga kamag-anakan sa mga health center para ma-check up, tutal minsan lang naman ‘yan baka kailangan na palitan ang kanilang gamot o baka ‘di na akma sa kanila o baka may kailangang gawing laboratoryo para sa kanila,” aniya pa.
- Latest