Ilang lugar sa Metro Manila binaha

Fishing boats and floating houses are seen docked at the side of Navotas River due to inclement weather brought upon by #HenryPH on Saturday (September 3, 2022).
STAR/Ernie Penaredondo

Bagyong Henry at habagat nagsanib

MANILA, Philippines — Nalubog sa baha ang ilang lugar sa Metro Manila dahil sa malakas na ulan dulot ng bagyong Henry at habagat.

Sa angkle deep o bukong-bukong ang baha sa Dapitan. Na-stranded naman ang mga motorsiklo at truck sa bahagi ng Araneta Avenue malapit sa E. Rodriguez sa lungsod.

Umabot naman hanggang sa tuhod ang baha sa Maria Clara Street sa nabanggit ding lungsod.

Isang puno ng niyog ang tumumba sa pa­nulukan ng Sgt. Esguerra St. at Mother Ignacia Avenue sa Brgy. South Triangle, Quezon City.

Nagbagsakan din ang ilang kawad ng kuryente doon.

Agad namang rumesponde ang mga tauhan ng barangay para linisin ang mga naapektuhang lugar.

Ayon sa report ng MPD, hanggang alas-12:00 ng tanghali ng Setyembre 3, 2022, kabilang sa mga lugar na may baha ay ang Dimasalang/Aragon St. at Rizal Avenue/Recto na sakop ng MPD-Sta. Cruz Police Station (PS-3); Ramon Magsaysay Blvd/Altura at España/Blumentritt na sakop ng MPD-Sampaloc Police Station (PS-4);  Union St. at Peñafrancia corner P. Gil, Paco at Taft Avenue corner Padre Faura to UN Ave (Northbound), na sakop ng MPD-Ermita Police Station (PS-5); A. Francisco to Tejeron, Quirino to P. Gil, at Pasigline to Sagrada Pamilya to A. Francisco, na sakop ng MPD-Sta. Ana Police Station (PS-6).

Sa Maynila, binaha rin ang bahagi ng Jose Abad Santos/Antipolo St. at Jose Abad Santos/Tayuman St., na sakop naman ng MPD-Jose Abad Santos Police Station (PS-7);  Pedro Gil corner P. Quirino, Paco PNR Station, at P. Quirino northbound corner Tomas Claudio na sakop ng MPD-Pandacan Police Station (PS-10); Main Road ng Brgy. 649, Baseco Compound, sa Port Area, na sakop ng MPD-Baseco Police Station (PS-13) at Bilibid Viejo tapat ng San Sebastian Church na sakop naman ng MPD-Barbosa Police Station (PS-14).

Naranasan din ang pagbaha sa ilang lugar sa Malabon at Pasig.

Sa Marikina, umakyat mula 12 hanggang 13 metro ang Tubig sa Marikina River sa loob lamang ng dalawang oras.

Show comments