^

Metro

Lider ng crime group, 3 pa nalambat sa Malabon

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Arestado ang lider ng isang crime group at tatlong kasamahan na sangkot sa gunrunning at illegal drug activities sa isinagawang operasyon sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga nadakip  na sina Melvin De Jesus, 38, lider ng “Melvin Serrano Group”; Mark Anthony De Jesus, 33; Kelvin De Jesus, 30 at Eddie Tornia, 33, pawang mga residente ng  Gervacio St. Brgy. Hulong Duhat, Malabon.

Sa bisa ng search warrant na inisyu Malabon Regional Trial Court (RTC) Judge Antonia Largoza-Cantero, nagsagawa nang paghalughog ang mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group of Northern Metro Manila District Filed Unit (CIDG-MMDFU) sa bahay ng mga suspek.

Ayon kay CIDG-MMDFU chief P/Lt. Col. Jynleo Bautista alinsunod ito sa “Oplan Paglalansag” at “Oplan Salikop” ng PNP.

Tinangka pa ng mga suspect na magsitakas pero nakorner din sila ng mga awtoridad.

Narekober ng pulisya sa mga suspek ang dalawang baril at ibat-ibang uri ng mga bala.

Nahaharap ang mga suspek sa paglabag sa R.A. 10591 o ang Comprehensive Law on Firearms and Ammunition Act.

CRIME

LIDER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with